Pilipinas ang isa sa pinaka sikat na
bansa pagdating sa industriya ng casino.
Nandito sa ating bansa ang mga
naglalakihan at mga kilalang Hotel
Casino. Isa na dito ang Okada Manila,
City of Dreams, Resorts World Manila,
Solaire, Casino Filipino at marami pang
iba. Pag uusapan natin ngayon ang isa
sa mga kilala at isa sa pinaka matagal na
Hotel Casino dito sa ating bansa. Ang
Hotel Casino na ito ay may iba’t – ibang
branch at satellites sa buong Pilipinas.
Maging sa iba’t – ibang probinsya ay
meron nito. Ngayon ay pag uusapan
natin ang isang sikat na branch nila dito
sa Manila. Ang Casino Filipino ang isa sa
pinaka matagal na Hotel Casino dito sa
Pilipinas. Dinarayo talaga ito ng mga
pinoy at iba’t – ibang lahi. Noong unang
panahon Casino Filipino lang ang
binabalik balikan ng mga guests dahil sa
ganda at dami ng laro na inooffer nila.
Nakilala rin ito dahil isa sila sa
may pinaka malaking tax na
binabayaran sa gobyerno. Tinutulungan
din nila na mapataas ang turismo sa
bansa. Meron silang isang sikat na
branch dito sa Manila. Ito ay ang Casino
Filipino Malate branch na matatagpuan
sa 1330 Roxas Blvd. Malate Manila.
Bukas ito 24 hrs. Kilala ang branch na ito
dahil sa kanilang mga inooffer na laro.
Meron silang mga slot machines, bingo,
table games, card games, baccarat,
roulette at marami pang iba. Ito ay legal
at may permiso na mag operate at
PAGCOR ang nagmamay ari nito. Meron
silang inooffer na Casino Filipino
membership card. Maaari niyo itong
gamitin tuwing kayo ay pupunta o
bibisita sa kahit na saang branch nila.
Pwede itong gamitin sa mga discounts.
Dito rin madalas ginaganap ang ilang
mga events at tournaments. Pwede ka
rin magkaroon ng mga rewards gamit
ang Casino Filipino Membership card.
Malate Manila ang dinarayo at madaling
puntahan dahil ito ay nasa sentro
lamang. Madali itong puntahan ng mga
taong nakatira lamang sa mga karatig
lugar ng Maynila. Pinagbabawal ng
Casino Filipino ang mga guests na may
edad na 21 pababa. Hindi sila
nagpapapasok lalo na ng mga
estudyante at mga menor de edad.
Bawal din maglaro ang mga kawani ng
gobyerno at ating mga kasundaluhan.
May mga protocol na pinatutupad ang
Casino Filipino. Kung nais mong
pumunta sa Malate Manila siguraduhin
na ikaw ay hindi naka tsinelas, shorts at
sando. May dress code din na sinusunod
dito. Maging responsableng guest o
manlalaro at sundin ang mga rules and
regulations na pinatutupad dito.