Noong panahon ng pandemya halos
lahat ng mga negosyo ay nagsara at
natigil operasyon. Isa na dito ang mga
malls, mga sinehan, mga simbahan, mga
paaralan, mga salon at marami pang iba.
Kabilang din sa mga naapektuhan ng
pandemya ay ang mga Hotel at Casino.
Dahil sa total lockdown ay napilitan ang
iba na itigil ang kanilang operasyon
dahil na rin sa kawalan ng kita at mga
guests. Ilang taon ang lumipas bago
bumalik sa normal ang lahat. Unti – unti
ng nakakabangon ang mga negosyo at
mga kumpanya sa pagkakalugi noong
pandemya. Ngayon na pinapayagan na
ulit lumabas ang lahat ay naging sabik
ang mga tao sa pamamasyal at pag
punta sa iba’t – ibang lugar. Noong
pandemya nawalan ng libangan ang
mga tao at nanatili lamang sa loob ng
kanilang mga tahanan. Nagbalik na sa
normal ang lahat kung kaya’t maging
ang mga Hotel at Casino ngayon ay
tumatanggap na ng mga guests at mga
manlalaro na gustong maglaro at
magrelax.
Narito ang ilang mga Hotel at Casino
dito sa Pilipinas. Una, Solaire na
matatagpuan sa Aseana Avenue,
Parañaque. Pangalawa, Okada Manila na
matatagpuan sa New Seaside
Entertainment City Parañaque. Pangatlo,
Resorts World Manila na makikita
naman sa Newport Blvd. Pasay. pang
apat, Casino Filipino na matatagpuan
naman sa Malate, Manila. Pang lima,
City of Dreams na makikita sa Macapagal
Avenue Parañaque. Hilton Manila na
makikita rin sa Newport Blvd. Pasay.
Nobu Hotel sa Aseana Avenue,
Parañaque at marami pang iba.
Maraming sikat at naglalakihan na mga
Hotel at Casino dito sa Pilipinas.
Dinarayo ito ngayon ng mga kapwa natin
pinoy at iba’t – ibang mga lahi. Perfect ito
para sa mga taong gustong mag relax at
maglibang. Meron din itong mga
restaurants na maaari niyong kainan.
Malalaki at magaganda ang mga rooms
sa bawat hotel na aking binanggit. Kung
ikaw ay nakatira dito sa NCR ay swak
sayo ang Manila at Parañaque dahil
halos magkakadikit at magkakatabi
lamang ang mga Hotel at Casino dito.
Ang iba ngang Hotel at Casino ay may
mga shopping center at may mga store
ng kilalang mga brands ng damit,
sapatos, mga bag at marami pang iba.
Kung nais niyong subukan ang mga
nasabing hotel ay maaari niyong
bisitahin ang kanilang mga official page
at website upang makapag inquire.
Maaari kayong mag advance booking
para sa mga espesyal na okasyon ng
inyong pamilya. May kamahalan nga
lang dito ngunit siguradong mag eenjoy
kayo pati na rin ang inyong buong
pamilya.