Isa ang Solaire, City of Dreams, Okada
Manila, Resorts World Manila at Casino
Filipino sa mga kilala at sikat na casino
dito sa ating bansa. Dinarayo ito ng mga
pinoy at mga dayuhan dahil sa
naglalakihan at naggagandahan ang
mga lugar na ito. Hindi lang casino ang
meron sila kung hindi pati na rin ang
mga hotel na pwedeng tuluyan at pag
ganapan ng mga importanteng okasyon.
Bukod sa casino ay meron ding hotel ang
Casino Filipino. Isa ito sa pinaka una at
pinaka matagal na hotel casino dito sa
ating bansa. Maraming branch ang
Casino Filipino, meron sila sa Manila,
Bacolod, Cebu, Tagaytay, Angeles
Pampanga at sa iba’t – iba pang
probinsya. May iba’t – ibang laki at
presyo ang bawat hotel rooms dito.
Halos lahat ng kanilang mga hotel ay
classic style ang disenyo.
Nakilala ang Casino Filipino dahil sa
mga larong inooffer nila. Ang bawat
hotel casino nila ay may mga restaurant
na pwedeng kainan ng mga guests. Ang
Casino Filipino ay tumutulong upang
mapataas pa lalo ang turismo sa bansa.
Isa rin ito sa pinaka matagal na casino
dito sa ating bansa. 1980’s noong
nagbukas ang Casino Filipino Pavillion
at ito ay matatagpuan sa Waterfront
Manila Pavillion. Dati sila ang binabalik
balikan ng mga tao upang maglaro o
magrelax. Lehitimo at may permit ito na
mag operate dahil ito ay pag mamay ari
ng PAGCOR. Kung nais niyong subukan
ang kanilang hotel ay maaari kayong
mag advance booking at mag inquire
online. Malinis, malaki at maaliwas
talaga ang mga kwarto dito. Perfect ito
para sa mga gustong mag unwind o
magrelax. Di hamak na mas mura dito
kung ikukumpara mo sa mga bagong
bukas at naglalakihang casino ngayon
dito sa ating bansa. Ngayon na mas
marami ng casino ang naitayo dito sa
Pilipinas ay nabawasan na ang mga
gustong magpunta sa Casino Filipino.
Kung kayo ay mahilig sa mga classic style
ay perfect at swak ito sa inyo. Meron
silang branch sa Manila na matatagpuan
sa New Coast, Pedro Gil St. Malate
Manila. Perfect itong puntahan ng mga
nakatira sa NCR. Isa rin ang Casino
Filipino sa may pinaka malaking tax na
binabayaran sa gobyerno. Ginagamit ito
upang matulungan ang pagpapaayos ng
mga daan, ospital, paaralan at marami
pang iba. Ito din ang sumusuporta sa
turismo ng Pilipinas. Nagsimulang
dayuhin ang casino ng iba’t – ibang lahi
ng dahil na rin sa Casino Filipino. Dito
nakilala ang mga kakaibang laro at nag
gagandahang hotel sa Pilipinas.