Paano ba mag withdraw ng pera sa Gcash sa pamamagitan ng Palawan pawnshop? Mas
hassle ba ito o mas madali? Magkano ang charge sa Palawan? mahal ba o malaki? Alamin natin kung pwede nga ba
mag withdraw at kung papaano ang mga hakbang na gagawin para tayo ay hindi mahirapan. Sa panahon ngayon mas
kilala ang Gcash sa pag cash in cash out ng mga pera o kahit mag transfer sa iba ng pera, mas pinamadali ngayon ng
Gcash. Pag mag transfer sa iba ng pera ito ay walang charge, pero kapag ikaw ay nag pa cash out o cash in mayroon
itong charge depende sa sa halaga ng inyong ika cash out. Kapag sa palawan pawnshop kayo mag withdraw o cash out
mura ba ang charge? o pareho lang sa mga tindahan?
I open lamang ang inyong mga Gcash App at i click ang show more, at kapag na click nyo na
may makikita kayong Fund Management mayroon itong tatlong pag pipilian ito ang Request Money, Cash out at Send
with a Clip. Piliin lamang ang Cash out kapag na click na ito lalabas ang mga pagpipilian ng mga official partner na mga
Branches kung saan pwede kang mag withdrawo mag cash out over the counter ng mga inyong mga pera. Ito ang
mga pagpipilian Villarica, Tambunting, Palawan Pawnsop, Puregold, Bayad Center, Express Pay, SM at Robinson.
Marami ang paglilipian pero I click natin ang Palawan Pawnshop. Unang step sa pag wiwithdraw ng inyong mga pera
sa Palawan Pawnshop una ay ang pag pi fill out ng form ito ang Gcash Service Form. Dito ay napapaloob ang inyong
mga pangalan, complete name, Gcash registered number, amount of transaction kung magkano ang inyong
wiwithdrawhin, i check nyo kung cash in o cash out ba. Kailangan ninyong magdala o mag provide ng ID dahil
hihingian ka nila ng valid ID at inyong signature o pirma. Sa step 2 naman, present valid ID mayroon silang mga list
ng ID na inohonor nila halimbawa, mayroon silang mga recommended na mga ID katulad ng UMID, TIN ID,
PhilHealth ID at Drviers License. Sa other ID naman, mayroong Passport, Students Id, Voters Id, SSS ID, Immigrant
COR, Government Office/ GOCC ID, HDMF (Pagibig), Postal ID at PRC ID. Sa step 3 naman mayroon kayong
marereceive na text message galing Palawan Pawnshop na mag beverify ng inyong pag cash out o withdraw at
confirm ninyo ng MPIN o OTP. Pag nagtext na ang Palawan sa Inyong number kinakailangan na magreply kayo ng
MPIN ninyo within 5mins. At kapag nakapag reply na kayo at na confirm na ng Palawan Cashier ang reply ninyo
makukuha o marereceive na ninyo ang perang inyong winithdraw. Ito ang mga hakbang paano mag withdraw ng pera
sa Gcash thru Palawan Pawnshop.