Dito sa Pilipinas makikita ang iilang
naglalakihan at nagagandahang casino.
Nakilala ng husto ang Lungsod ng
Parañaque at Maynila dahil dito
matatagpuan ang mga sikat at kilalang
casino dito sa ating bansa. Dito
matatagpuan ang Solaire, City of
Dreams, Okada Manila, Casino Filipino
at marami pang iba. Iilan lang yan sa
mga dinarayo ng mga pinoy at ibang
mga dayuhan. Bawat isa sa kanila ay
may mga pinatutupad na rules and
regulations at kailangan ito sundin ng
mga empleyado at mga manlalaro.
Bawat sulok o lugar sa isang hotel resort
and casino ay may mga patakaran na
kailangan mong sundin. Ngayon ay pag
uusapan natin ang mga rules and
regulations na dapat sundin kung ikaw
ay nasa loob ng kanilang establishment.
Marami din ang nagtatanong kung may
dress code nga bang sinusunod o
kailangan sa isang casino. Casino
Filipino ang isang halimbawa na
nagpapatupad ng dress code. Bago ka
makapasok sa kanilang casino ay
kailangan akma o tama ang iyong
pananamit.
Ano nga bang klase ng mga damit o
pananamit ang tinatanggap sa Casino
Filipino. Narito ang iilang mga bawal na
kasuotan o damit. Sa mga lalaki ay
pinagbabawal ang pagsusuot ng tsinelas,
mga shorts, sando, jersey at mga tattered
na damit. Sa mga babae naman ay
tsinelas, mga revealing clothes ( shorts,
mini skirt, sando tulad ng spaghetti na
tinatawag, tube at marami pang iba).
Para ito sa mga manlalaro o guests na
pupunta sa Casino Filipino. Kailangan ay
disente at maayos ang inyong
pananamit. Para naman sa mga
empleyado ay kailangan kumpleto at
maayos ang kanilang mga uniporme.
Kung ikaw ay nasa loob ng kanilang
establishment ay kailangan mong
sundin lahat ng patakaran kasama na
dito ang tamang pananamit. Mahalaga
sa isang manlalaro na malaman ang
mga bawal o pinagbabawal at mga
bagay na pwedeng gawin sa loob ng
isang casino. Kailangan mong magsuot
ng close shoes tulad ng mga rubber
shoes, sneakers at doll shoes naman sa
mga babae. Mas mabuting magsuot ng
pantalon, trousers, slacks o palda na
hanggang tuhod ang haba. Kung sa pang
itaas naman ay maaari kayong magsuot
ng tshirt, blouse na may manggas, mga
jacket o blazers, longsleeve at mga polo
shirt. Kahit saan naman talagang lugar o
establishment ay may mga dress code na
sinusunod. Kaya kung ikaw ay baguhan
at nais mong pumunta sa mga ganitong
klase ng lugar ay siguraduhing tama at
akma ang inyong mga damit para
makapasok agad at maiwasan ang mga
aberya o problema.