Ang laro ng baraha ay isang laro na gumagamit ng mga baraha bilang pangunahing bagay sa
paglalaro. Maraming umiiral na mga larong baraha, kabilang ang mga anak ng kaugnay na mga laro (katulad ng
poker). Ilan sa mga laro ang may makapamantayang mga patakan habang ang mga panuntunan sa iba ay maaaring
magbago ayon sa rehiyon, kultura at tao. Mayaman sa kultura ang bansang Pilipinas at kasama na rin dito ang ibat
ibang mga card at gambling games. Laman ito ng mga lamay ng patay o sa mga lugar kung saan mas maraming
mahihirap na barangay. Karaniwang makikita ang mga naglalaro nito sa mga kanto o masisikip na eskinita. Naging
pangunahing libangan ito ng mga tao. Ngayon naman sa mg online apps at platform sumisikat ang mga larong ganito.
Nangunguna na nga rito ang Filipino card game. May mga app ng ginawa para maging libangan lang at mayroon
dinginawa para sa mga gambler o yung gustong maglaro at kumita rin ng paunti unti. Maaaring ma pay out ang
mapapanalunan sa paglalaro ng mga paboritong card games. Ilan sa mga larong baraha ng pinoy ay ang sumusunod,
ang kilalang Tongits ang layunin ng larong ito ay ang maubos ang mga barahang hawak o kaya naman ay maging
pinakmababa ang bilang ng iyong baraha sa kabuuan. Nilalaro ito gamit ang isang set ng tipikal na barahang may 52
cards, sakto ito para sa tatlong manlalaro. Panguingue ang larong ito ay kilala rin bilang “Pan”. Nilalaro ito gamit
ang 320 card deck o pinag sama samang walong ordinaryong set ng barahang tatanggalin ang 8,9,10 at joker para
maging 40 card Spanish deck. Pekwa isa pang laro sa tabi ng Filipino Card Game , sa ingles ay tinatawag din itong
Seven o Fan Tan. Ito ay nilalaro gamit ang normal na 52 card deck. Ang manlalarong nakakuha ng 7 na diamond ang
siyang unang titira. Pusoy way ito ang card game na pinakamabilis laruin. Gamit ang 52 card deck, ipamimigay itong
lahat sa apat o tatlong manlalaro at magkakaroon ang bawat isa ng tig 13 na baraha. Pusoy dos ito ay gumagamit
din ng pangunahing konsepto ng Pusoy. Ang kaibahan lang dito ay ang mga Dos ang may pinakamataas na value sa
laro. Ang layunin nito ay paunahanng makaubos ng baraha.at Lucky 9 ito ay isang mabilisang laro. Kumpara sa iba
ito ay may simpleng mechanics lang ng paglalaro. Ilan lamang ito sa mga larong baraha na pinakasikat dito sa
Pilipinas. Mayroong ibat ibang uri ng mga larong baraha ayon sa bilang ng manlalaro , patakaran at kung paano
laruin. Marami na ang mga naimbentong larong baraha, kabilang ang mga pinaka kilalang mga laro.