Kalat at dumarami na rin ang
mga casino dito sa ating bansa. Hindi
lang sa parte ng Maynila, maging sa mga
probinsya ay may mangilan – ngilan na.
Ang casino ay kilala bilang isang
malaking pasugalan. Marami at iba’t –
iba ang mga laro dito. Maraming
pagpipilian ang mga manlalaro tulad ng
mga slot machines, baccarat, table at
card games at marami pang iba. Marami
ang nagtatanong kung legal nga ba ang
mga casino dito sa Pilipinas. Pag
uusapan natin ngayon kung legal nga ba
ito o hindi dito sa ating bansa. Alam
naman natin na marami at naglalakihan
na ang mga casino dito sa ating bansa
lalo na sa parteng Maynila. Naroon ang
mga kilalang hotel resort and casino.
Iilan sa mga ito ay ang Solaire, City of
Dreams, Okada Manila at Casino
Filipino. Dinarayo ang mga casinong
nabanggit dahil kakaiba ang mga laro
na pwede mong tayaan dito.
Ngunit ang tanong legal ba ang
mga ito upang mag operate ng isang
casino? Ang kasagutan ay oo. Legal ang
mga ito at ito ay may permiso. Bago
makapag operate o makapagpatayo ng
isang casino ay kailangan muna nilang
kumuha ng mga permit at isa na dito ay
ang permit na binibigay ng PAGCOR.
Ang mga naglalakihang casino sa
Parañaque at Maynila ay binigyan ng
permiso ng PAGCOR. Sila ay legal at may
mga batas na sinusunod. Maliban dito,
kailangan nilang sumunod sa mga
patakaran at kung hindi ay maaari
silang mapatawan ng parusa. Isa din sa
mga ito ay ang pagbabayad ng tax o
buwis. Kung ang isang casino ay legal
kinakailangan nitong magbayad ng
buwis na minomonitor ng BIR. Ang mga
permit na binibigay sa kanila ay dapat
nakikita sa mismong casino.
Kinakailangan nilang isabit o idisplay
ang mga permit upang makita ng mga
nag iinspeksyon. Maaari niyo rin makita
ang kopya ng kanilang mga permit sa
kanilang mga official website. Halos
lahat ng casino dito sa ating bansa ay
legal at may permit na ngunit may
mangilan ngilan na nag ooperate pa rin
kahit walang mga permit. Hinuhuli o
niriraid ng mga pulis o nbi ang mga
casinong nag ooperate ng walang
permit. Malaking paglabag sa batas ang
mag operate ng isang casino ng walang
pahintulot o permiso ng PAGCOR. Kaya
naman kung kayo ay baguhan lamang sa
mundo ng casino ay maaari lamang na
mag background check o mag research
muna kung ang casino bang inyong
pupuntahan ay legal o hindi upang
maiwasan ang malaking problema.