Marami sa ating mga Pilipino ang
nahihilig ngayon sa casino. Hindi
maitatanggi na isa ang casino sa
nagiging libangan ngayon ng mga
kababayan natin. Hindi lang mga pinoy
ang nahuhumaling dito kung hindi pati
na rin ang ibang mga lahi na nandito
ngayon sa ating bansa. Kilala at sikat din
ang casino dahil sa mga manlalaro nila.
Karamihan sa kanila ay mga kilala at
mga bigating personalidad. Marami sa
atin ngayon ang nagtatanong kung ano
nga ba ang mga kailangan upang
makapasok o makapaglaro sa casino.
Ano bang edad ang kailangan upang
makapasok dito? Isa yan sa mga tanong
na palagi kong naririnig ngunit ano ba
ang minimum age upang makapaglaro o
makapasok sa casino?
Ngayon, pag uusapan naman
natin ang minimum age na pwede sa
casino. Dito sa ating bansa ay may legal
age na tinatawag. 21 pataas ang
maaaring makalaro sa casino.
Karamihan sa ibang casino ay
naghahanap ng id o katibayan na ikaw
ay nasa legal o minimum age na. Nasa
batas yan ng bansa natin at nasa rules
and regulations din naman ng isang
kumpanya. Hindi sila maaaring
tumanggap ng mga manlalaro na baba
ang edad sa 21. Maaari silang
mapatawan ng parusa o makasuhan
kapag sila ay lumabag o hindi sumunod
sa batas. Hindi lang naman dito sa atin
ang may minimum age na sinusunod
lalo na sa mga casino. Maging sa ibang
bansa ay may legal o minimum age na
sinusunod. Hindi lang din sa casino ang
may minimum age, maging sa ibang
establishments ay may sinusunod na
edad bago ka makapasok. Halimbawa
na lang din dito ay ang mga bar at clubs
dito sa atin. Hindi nagpapapasok ng mga
menor de edad sa mga ganitong
establishments. Kaya naman kung ikaw
ay nagpaplano na pumunta sa casino
upang maglaro o kahit mamasyal man
lang ay siguraduhin mong nasa
minimum o legal age ka upang hindi
magkaroon ng problema. Hindi mo rin
maaaring dayain ang edad mo dahil
ikaw ay hahanapan ng mga katibayan
tulad ng mga government id. Hindi lang
mismo sa casino nagbabawal ng menor
de edad maging sa online casino ay
kailangan din na nasa hustong gulang
ka. Bago ka makalaro ay kailangan mo
munang mag sign up at hahanapan ka
rin ng mga katibayan tulad ng id upang
makasiguro sila na hindi menor de edad
ang kanilang mga manlalaro. Kaya
naman kung ikaw ay wala pa sa
minimum age na pwede sa kanila ay
huwag na subukang pumunta dito
upang maiwasan ang problema.