Marami sa atin ang nagtatanong
kung magkano nga ba ang sinasahod ng
isang empleyado sa casino dito sa
Pilipinas. Kilala ang casino dahil sa mga
sugal o laro nito. Marami ang casino dito
sa Pilipinas lalo na sa parteng Maynila at
Parañaque. Nandito ang mga
naglalakihang casino tulad ng Solaire,
City of Dreams at Okada. Iilan lang yan
sa mga kilala at talagang dinarayo ng
mga Pilipino at iba’t – ibang lahi para
makapaglaro sa casino. Malaki ang
casino kung kaya’t marami din ang
empleyado dito. Bawat empleyado dito
ay may kanya – kanya at iba’t – ibang
department. Mas marami ang mga
dealer at utility o maintenance sa isang
casino. Sa loob ng casino ay kalat ang
mga empleyado na nag aassist ng mga
manlalaro o mananaya. Magkano nga ba
ang sinasahod ng mga empleyado sa
casino. Bawat position dito ay iba – iba
ang sinasahod. Naka base ang sahod nila
sa position at sa status mo sa isang
casino. May 2 uri ng mga empleyado sa
casino ang mga regular o matatagal na
sa trabaho at ang mga contractual na
mga baguhan at may sinusunod na
contrata kung hanggang kailan sila
magtatrabaho dito. Naka depende sa
management ng casino kung ikaw ba ay
ireregular nila o yung tinatawag nila
iaabsorb. Ang mga contractual ay nasa
minimum wage lamang ngunit ito ay
may mga benepisyo, mga tips na galing
sa mga manlalaro, mga allowance tulad
ng sa pagkain o minsan ay sa
transportation.
Nakadepende sa isang casino
ang mga dagdag benepisyo na binibigay.
Ang sahod ng isang empleyado tulad ng
utility o maintenance ay
nasa minimum wage ngayon ng NCR.
Hindi maaaring bumaba sa 570 ang
sahod mo o minimum wage. Kung ikaw
naman ay isang dealer ay hindi bababa
ng 20,000 ang iyong sahod kada isang
buwan. Marami
ang nangangarap makapagtrabaho sa
isang casino dahil marami at malaki nga
ang perang pwede mong maiuwi kung
ikaw ay isang dealer. Ang iba ay
nakakakuha ng malaking tip bukod pa
ito sa sahod. Kung ikaw naman ay
regular na sa trabaho maaaring lagpas o
mataas na sa 570 o minimum wage ang
iyong sahod. Paalala lamang ang sahod
sa casino ay naka depende sa position
na inaapplyan mo. Halimbawa kung
managerial position o mas mataas pa
diyan ang ang isang empleyado meron
silang halaga ng sahod na
napagkasunduan sa loob ng isang
buwan. Kung nais niyong mag apply sa
casino ay magtungo lamang sa mga legit
o may permit ng PAGCOR upang
maiwasan ang mga illegal na gawain o
maloko. Maaari niyong tignan sa
PAGCOR kung aling casino ang may mga
permit at legal na mag operate. Good
Luck!