Ano nga ba ang ibig sabihin ng Pogo? Ito ba ay legal sa Pilipinas?Legit ba ang mga larong inooffer nila
sa casino? Iilan lamang yan sa mga katanungan na ating maririnig o pumapasok sa ating isipan tuwing mababanggit
ang salitang Pogo. Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Ang Pogo o Philippine Offshore Gaming Operators ay
mas kilala sa online casino. Ang Pogo ay parang isang mga online shopping, online booking at online banking. Sa
Pogo ay hindi mo na rin kinakailangan pumunta sa mismong lugar o casino upang makalaro o makataya sa isang
online games. Hindi lang sa Pilipinas kilala ang Pogo maging sa ibang bansa ay kilala rin ito dahil sa kanilang online
games. Maaari kang makataya o manalo sa pamamagitan ng electronic transactions. Hindi bitcoin o crypto currency
ang Pogo. Ang Pogo Service Providers ay isang corporation na naka rehistro sa Pilipinas. Meron silang mga IT
support, strategic support, gaming software platforms at marami pang iba. Under ito ng business process
outsourcing o BPO. Tulad sa batas mahigpit na pinagbabawal ang paglalaro ng 21 taong gulang pababa o mga menor
de edad. Marami at nag kalat na sa ating bansa ang iba’t – ibang uri ng Pogo. Ang PAGCOR ang nagbibigay ng
lisensya o pahintulot sa Pogo kung sila ba ay maaaring mag operate o magpatakbo ng isang online casino.
Paano nga ba nakakaapekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang Pogo? Alam natin na sa isang casino ay
malaki ang kinikita nito. Dito sa ating bansa ay may mga tax na binabayaran lalo na yung mga negosyo o
establisments na malalaki ang kinikita. Isa ang Pogo sa may pinaka malaking kinikita dito sa atin kung kaya’t malaki
din ang kanilang binabayaran na buwis o tax sa ating gobyerno. Ginagamit ang mga binabayad na tax sa mga
proyekto dito sa ating bansa tulad na lamang ng pagpapaayos ng mga kalsada, hospital, paaralan at marami pang iba.
Nakakatulong din ang Pogo upang mabigyan ang ilang kababayan natin ng trabaho. Karamihan sa mga Pilipino ay
nagtatrabaho sa BPO na under ng isang Pogo. Marami na ang Pogo dito sa ating bansa ang iba ay legal ngunit
marami pa rin ang illegal. Noong nakaraang taon ay marami na rin ang napasarang Pogo. Kung nais niyong
magtrabaho dito ay maaari lamang na suriing mabuti o mag back ground check muna bago mag apply upang
makaiwas sa mga scammer o manloloko. Maaari kayong maghanap ng mga legit na website sa internet.