Marami sa atin ang nag nanais
maka pasok o makapag apply sa
casino dito sa Pilipinas. Paano nga ba
maka pasok dito at ano ang mga
kinakailangan upang maging isang
empleyado ng isang casino? Alam
naman natin na mahirap talaga maka
pasok sa isang casino dito sa Pilipinas
dahil bukod sa mataas ang standards
nila sa pag kuha ng empleyado ay
sinusuri at sinasala din talaga nila ito ng
mabuti. May mga sinusunod silang
standards sa pagkuha ng isang
empleyado na kailangan nilang sundin.
Karamihan sa casino ay nagbabase sa
experience at sa natapos nito. May
height at age requirement silang
sinusunod. Kalimitan ang hinahanap
nila sa babae ay yung 5’3 pataas ang
height nito, sa lalaki naman ay 5’5
pataas. Nagiging advantage ng isang
empleyado ang experience o naging
karanasan nito sa kaparehas na trabaho
na kanilang inaapplyan. Anim na buwan
pataas ang experience na tinatanggap
nila. Kailangan ay mag presenta o mag
pakita ka ng katibayan tulad ng
certificate of employment o coe na
tinatawag. Kung ikaw man ay palarin na
maka pasa o makuha sa interview ay
isasalang ka din nila sa mga trainings.
Marami ka munang pag daraanan bago
ka maging isang ganap na empleyado ng
casino. Depende sa position na
inaapplyan mo ang mga trainings na
pagdaraanan mo. Isa ang casino dealer
sa maraming trainings na ginagawa.
Siguro nga ay mahirap talaga
maka pasok sa isang casino dito sa
Pilipinas. Marami kang pagdaraanan
muna bago maging isang opisyal na
empleyado nito. Malaki ang sahod at
marami din kasing benepisyo ang
makukuha sa casino. Kumpleto ang
benepisyo ng isang empleyado gaya ng
sss, philhealth at pag ibig. Kung ikaw
naman ay papalarin na maging isang
regular na empleyado ay kasama sa
benepisyo dito ang health card at dental
card na tinatawag. Bukod sa mga ito ay
may mga tip na binibigay ang mga
manlalaro sa isang empleyado sa casino
lalo na sa isang casino dealer. Maaari ka
mag apply online sa pamamagitan ng
pag pasa gamit ang email at pwede rin
naman na ikaw ay mag walk in o
pupunta ka mismo sa kanilang opisina.
Kung ikaw ay mag aapply kailangan ay
sumunod ka sa dress code o in short
kailangan mong mag formal attire. Isang
puntos din sa empleyado ang maging
presentable ang itsura sa harap ng mag
iinterview. Kung pasok kayo sa mga
nabanggit ko ay huwag na mag atubili,
mag apply na sa pinaka malapit na
casino sa inyong lugar. Good luck!