Anu – ano nga ba ang mga training ng isang casino dealer? Hindi madaling trabaho ang isang
pagiging casino dealer. Marami sa kanila ang nagtiyaga at nagsumikap upang makapasok sa casino. Ang pagiging
dealer ay kailangan ng matinding focus at alerto sa trabaho. Maraming trainings ang pinagdadaanan bago ka
maging isang casino dealer. Alamin natin ang iba’t – ibang uri ng trainings na pinagdadaanan o kinukuha nila bago
maging isang dealer. Kailangan nilang pag aralan ang iba’t – ibang uri ng mga laro, rules and regulations at marami
pang iba sa loob ng isang casino. Kalangan nilang matuto kung paano gamitin ang mga machines, cards at pati na rin
ang pag gamit ng mga chips. Kailangan nilang mag lecture, modular instructions, group discussion, demonstration,
industry immersion at practical application. Akala niyo ba ay diyan na natatapos ang dapat nilang matutunan?,
nagkakamali kayo dahil pagkatapos nilang aralin yan ay meron silang mga examinations na kailangang ipasa upang
makakuha ng certificate. Merong written examination, oral examination, practical demonstration of skills. Kailangan
nilang ipasa yan upang makakuha ng certificate o katibayan na sila ay nakapasa sa training. Ang training na pag
aaralan mo ay depende sa position na inaapplyan mo. Narito ang ilang halimbawa blackjack ang other variations,
baccarat and other variations, roulette and other variations at marami pang iba. Masasabing isa ang casino dealer
sa may pinaka malaking sahod at pinaka mahirap din naman na trabaho.
Bukod sa sahod ay meron din silang mga tip na nakukuha na binibigay ng mga manlalaro. Ang
ibang kumpanya naman ay nagbibigay ng food allowance. Kung nais niyong maging isang casino dealer ay dapat
matiyaga at masipag kayong aralin lahat ng trainings nila. Hindi madali maging isang casino dealer dahil ikaw din
ang nakatoka sa taya at panalo ng isang manlalaro. May training center ang PAGCOR na kung saan doon lahat
tinuturuan ang mga aplikante o mga taong gustong matuto sa pagiging isang casino dealer. Isa lamang ang PAGCOR
sa legit at may permit na magturo. Kailangan mo rin ng mahabang pasensya dahil iba’t – ibang tao o manlalaro ang
iyong makakaharap araw – araw. Isa rin ang customer service training sa tinuturo dito. Kailangan din ng isang casino
dealer na mabilis mag isip at mabilis din mag handle ng isang sitwasyon lalo na kung nagkaroon ng problema.
Kadalasan na tinuturo din dito ay ang tamang pagbalasa ng mga baraha. Kung nais niyong maging isang casino
dealer ay mag apply lamang sa mga legit na training center dito sa Pilipinas .